Mga Pahina

Huwebes, Hulyo 15, 2010

My Other Family

Mahilig ako sa hayop. Therapy na yong pagdating ko e nandyan lang sila. Malungkot man ako o masaya o wala sa mood, kahit ano, nandyan lang sila, laging nasa mood pag nakikita nila ako. Di man nila ako kayang sabayan sa kalungkutan o pag wala ako sa mood, at least nahahawa nila ako sa pagiging masayahin nila. Sapat na yon. Naaalis na nila ang pagod ko.

Isang araw, may dalang aso si kuya. At may pangalan na din. Perla. Ewan ko ba, di ko alam ang kwento kung bakit Perla pa ang pangalan. Iginalang ko na lang ang kagustuhan ni kuya...

Susme, nung lumandi at manganak, parang laging huling anakan kung bumuga ng tuta si Perla! Unang anak, 6! Tapos 8, at 8 uli, at 8 uli! At ngayon ay 2 na lang. Marahil ay napapagod (o baka naman nagsasawa) na siyang umire ng umire. Lahat ng anak ipinamimigay ko. Sobra na silang madami e.

Isang araw uli, may dala na naman si kuya, lalaking tuta! Cute. Itong panahon na ito ay nasa stage of recovery si Perla. Namatay kasi lahat ang 8 tuta sa huling panganganak niya. Kaya itinuon niya ang buong oras at pansin niya kay Coco. Ako na ang nagpangalan sa tutang ito. Matapos tumanggap ng katakot-takot na panlalait ang kuya ko sa pangalan ni Perla.

Heto sila sa isa sa mga masasayang araw namin. Ako ang official photographer, ano ba?!
Hanggang sa mabuntis uli si Perla at eto nga yong last na 2 anak niya.
Si Globe, yong may puti sa leeg, ang panganay; at Smart na dark brown ang kulay.
Mas mabilis si Smart sa susuhan. Sa mga masasabaw na suso ni Perla ay lagi siyang nangunguna.
Ngunit isang araw........
Heto si Globe sa kanyang matinding pag-eemo mode. Mag-isa na lang kasi siya dahil kinuha na si Smart.

Pero may mga magagandang ala-ala sila ng kanyang kapatid. Kasama na si Minggoy. Oo, sila man ay naturuan ng kanilang inang Perla na ipalaganap ang "world peace."
Ayan sila.
Smart: Kuya Globe, naaamoy mo ba ang naamoy ko?
Globe: Teka, naamoy mo na din pala. Kanina ko pa nga naaamoy e.
Minggoy: Wag kayong malikot! Baka malaglag tayo, ano ba?!
Yuck!!! Dog food lang pala. Mga patay-gutom na mga to! Eeeeeewwwww!!!!!
Smart: Yum! Yum! Yum! Diyan ka lang kuya, wag ka magbabanda dito! Magpaka-tuta ka, wag mag-buwaya! (yes, walang manners si Smart sa table)
Globe: Smart, igalang mo ang mo ang Kuya! Usog ka konti.....
Ganito kasi nung una.....
Smart: Kuya Globe, sabi ni Malaking Tao kukunin na daw ako. Kuya Globe paano na lang ako huhuhu...
Globe: Sinabi niya yon?!
Smart: Oo kuya.
Globe: Kelan ka daw kukunin, Smart? (yes! masosolo ko na ang mga pagkain dito. yahoooooooo!)
At dumating ang araw na kinuha na si Smart. Nalungkot talaga si Globe. Pero 3 minutes, 19 seconds pa lang, nakapag-m0ve on na si Globe. Yong tamang adjaustment lang. Pati bituka nag-adjust din kasi solo na ni Globe ang pagkain. Kasi naman siya na lang ang baby tuta sa bahay.

Dumadating pa din ang kalungkutan kay Globe. Pag ganun, ini-imagine niya ang ala-ala nila ni Smart, Minggoy at Kuya Coco nila, gaya nito o...
Awang-awa si Minggoy kay Coco. Pinatutulungan sila nina Globe at Smart.
Minggoy: Baka magkapikunan kayo ha...
Globe: Aba't nangengealam ka ha, heto sayo!
Smart: Kampi kayo ng Minggoy mo at kampi naman kami ng Kuya Globe ko!
Globe: Sige, banatan na natin sila!
Minggoy: Wag Smart! Tama na, tama na please.....
Globe: Maepal ka talaga ha, heto sayo!
Minggoy: Ouch! Este, meow pala. Ansakit Globe ano bah!

Oo, ganyan kasaya ang puppyhood ni Globe. Hanggang ngayon ay masaya pa din siya. Na ikinatutuwa ko naman. Kasi marunong na din siya. Pagdating ko sa bahay, kain muna kami tinapay sa loob. Pagkatapos nun sasabihan ko sila na lumabas na at magpapahinga ako. At lalabas naman sila. Nagkakaintindihan na kami. Pag Sunday na nandito lang ako sa bahay, alam nila na bath day nila. Dito lang kami sa loob. Kung saan ako pupunta, nakabuntot silang lima. Para kaming nagpaparada.
Ganito naman umentra sa family si Minggoy...
Napulot siya ni ate sa bukid nung kuting pa ito. Iniligaw ng kung sino, At napulot at inuwi ni ate. Dahil siguro sabik si Coco sa kalaro (baby pa lang sina Globe at Smart noon) kaya ginawa niya ito kay Minggoy.
Bilang pagtanaw ng utang na loob kay Perla at pakikipag-kapwa-aso na din, inobliga niya na ipalaganap ang world peace sa sangka-aso-han, pati sa sangka-pusa-an na din. Inalagaan iya ito na parang anak.
"Pinasuso" din niya ito. Ang buong akala ni Coco ay may Lactum siya. Ganun din ang akala ni Minggoy. Pero nairaos din ang lahat.

3 komento:

  1. kapagtrip.hahaha




    paul mangaco
    IV diamond

    TumugonBurahin
  2. paul mangaco: thanks again for visiting.

    TumugonBurahin
  3. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com


























    Kumusta Selina



    ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.

    Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.



    AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com

    TumugonBurahin