Mga Pahina

SUHOL


Ang gaganda nila di ba? Napansin niyo? Hindi? Ulitin niyo baka sakali mapansin ninyo ang kagandahan nila pls. sige na naman o. Sige na nga hayaan niyo na lang. Basta may ganda sila. Nakalabas at nakatago.

Anyway, ang dalawang babaeng ito na magaganda ay mga teacher. Oo maniwala kayo. Teachers ang mga yan. Maliban pa sa sila ay mga beauty queens din. Ewan ko lang kung saan.

Actually, ang kinukuhanan ko dito ay ang harapan ng opisina ng principal nila. Tapos napadaan silang bigla papunta sa gate. Ayon, wala na akong nagawa nung ibalandra nila ang mga mukha nila sa camera ko.

Ang lakad nila? Yon bang aalis sila ng walang paalam, ganun. Tatakas ba kanyo? Uy hindi naman. Dahil babalik din naman sila ng walang paalam e. Bumili lang sila ng miryenda pansuhol sa akin. Para saan? Ano pa e di para i-blog sila!

Kaya heto na, kahit napilitan lang akong i-blog sila kasi walang drinks yong miryenda ko.

O, sino susunod na manunuhol sa akin para maiblog ko kayo?!

The table is now open for self-nomination...

1 komento:

  1. sila ba ??sila ba?? ang iyong mga taga suhol???

    hindi nila mxadong pinaghandaan ang pagpapakita ng knilng kagandahan..hindi mo sla masisisi kung n suhulin ka..sayang nga naman ang oportunidad baka madiscover ang nasabing kagandahan(ayon sa iyo un)...
    bale wala ang paninita sa knila..masunod lng ang kagustuhan makabili ng panuhol sa iyo...

    TumugonBurahin