Mga Pahina

Lunes, Hulyo 19, 2010

Emerald's Diagnostic Test in My Room

My advisory class during their diagnostic examination.


My classroom before the exam.

My work area.

Huwebes, Hulyo 15, 2010

P-Noy


Isang araw sa AP I, ala-una ng hapon, pinagbasa ko sila ng Current Events Digest. Ang init kaya at nakakapagod. Ikaw ba naman ang magturo ng 7 hours daily. Kaya parang rest day ko na din ito habang nagsusulat at nagrerecord ng kung anu-ano.


Nang biglang naging maingay at nagkagulo ang klase. Tawanan, sigawan ang mga bata sa likod. Sawayin ko nga sabay pagbabanta na minus 10 silang lahat. O e di tumahimik!


Nang di kaginsa-ginsa'y...


Maingay na naman. Halos buong klase na ang gulo. Tawanan, hiyawan uli.


Ako: Ano'ng kaguluhan ito?! Ano'ng nangyayari sa inyo?

Bata: Sir, wala po...

Ako: Anong wala e ang gugulo at ang iingay niyo?!


Nakayuko lang at tahimik ang bata. Pati na buong klase. Pero ako naman ang di matahimik. Kailangang malaman ko kung ano ang nangyayari. Binalibag ng matatalim na tingin ang buong klase. Mukhang natakot naman sila.


Lumakad ako ng unti-unti..., dahan-dahan..., at tumigil sa tapat ng class president! Sabay biglang lingon sa kanya na may panlilisik ng mga mata, sabay ng pangingintab ng noo. Sa biglang paglingon ko ay nag-crack pa ang mga buto ko sa leeg. Wag ka, nasira sa ayos pati ang shower bangs ko!


Ako: Magtapat ka, class president! Ano ang kaguluhang ito!

Class President: Kasi po ser.....

Ako: Ano?!

Class President: Kamukha nyo daw po si Pangulong Noynoy dito sa current events sabi ng mga kaklase ko...

Ako: O, e ano naman ngayon?!


(sabay tingin sa picture ni P-Noy sa litrato. oo nga, kamukha ko nga. pero gaya ng nasabi ko kanina, nasira ang shower bangs ko sa biglang paglingon ko. may shower bangs ako at wala nun si P-Noy!)


Class President: May sinasabi pa po sila...

Ako: Ano na naman?!

Class President: Kamukha niyo nga daw po si P-Noy, pero kakulay nyo naman daw po si Binay...

Buong Klase: har, har, har, hahaha, hehehe, yoohoo! har, har, har, hahaha, hehehe!


Tumambling ata ako bigla nun. Tumigil ang mundo ko at nag-blush. Nahalat kaya nila ang pamumula ko?


Kayo nga ang humusga. Tingnan at titigan uli ang picture ni P-Noy sa taas!


My Other Family

Mahilig ako sa hayop. Therapy na yong pagdating ko e nandyan lang sila. Malungkot man ako o masaya o wala sa mood, kahit ano, nandyan lang sila, laging nasa mood pag nakikita nila ako. Di man nila ako kayang sabayan sa kalungkutan o pag wala ako sa mood, at least nahahawa nila ako sa pagiging masayahin nila. Sapat na yon. Naaalis na nila ang pagod ko.

Isang araw, may dalang aso si kuya. At may pangalan na din. Perla. Ewan ko ba, di ko alam ang kwento kung bakit Perla pa ang pangalan. Iginalang ko na lang ang kagustuhan ni kuya...

Susme, nung lumandi at manganak, parang laging huling anakan kung bumuga ng tuta si Perla! Unang anak, 6! Tapos 8, at 8 uli, at 8 uli! At ngayon ay 2 na lang. Marahil ay napapagod (o baka naman nagsasawa) na siyang umire ng umire. Lahat ng anak ipinamimigay ko. Sobra na silang madami e.

Isang araw uli, may dala na naman si kuya, lalaking tuta! Cute. Itong panahon na ito ay nasa stage of recovery si Perla. Namatay kasi lahat ang 8 tuta sa huling panganganak niya. Kaya itinuon niya ang buong oras at pansin niya kay Coco. Ako na ang nagpangalan sa tutang ito. Matapos tumanggap ng katakot-takot na panlalait ang kuya ko sa pangalan ni Perla.

Heto sila sa isa sa mga masasayang araw namin. Ako ang official photographer, ano ba?!
Hanggang sa mabuntis uli si Perla at eto nga yong last na 2 anak niya.
Si Globe, yong may puti sa leeg, ang panganay; at Smart na dark brown ang kulay.
Mas mabilis si Smart sa susuhan. Sa mga masasabaw na suso ni Perla ay lagi siyang nangunguna.
Ngunit isang araw........
Heto si Globe sa kanyang matinding pag-eemo mode. Mag-isa na lang kasi siya dahil kinuha na si Smart.

Pero may mga magagandang ala-ala sila ng kanyang kapatid. Kasama na si Minggoy. Oo, sila man ay naturuan ng kanilang inang Perla na ipalaganap ang "world peace."
Ayan sila.
Smart: Kuya Globe, naaamoy mo ba ang naamoy ko?
Globe: Teka, naamoy mo na din pala. Kanina ko pa nga naaamoy e.
Minggoy: Wag kayong malikot! Baka malaglag tayo, ano ba?!
Yuck!!! Dog food lang pala. Mga patay-gutom na mga to! Eeeeeewwwww!!!!!
Smart: Yum! Yum! Yum! Diyan ka lang kuya, wag ka magbabanda dito! Magpaka-tuta ka, wag mag-buwaya! (yes, walang manners si Smart sa table)
Globe: Smart, igalang mo ang mo ang Kuya! Usog ka konti.....
Ganito kasi nung una.....
Smart: Kuya Globe, sabi ni Malaking Tao kukunin na daw ako. Kuya Globe paano na lang ako huhuhu...
Globe: Sinabi niya yon?!
Smart: Oo kuya.
Globe: Kelan ka daw kukunin, Smart? (yes! masosolo ko na ang mga pagkain dito. yahoooooooo!)
At dumating ang araw na kinuha na si Smart. Nalungkot talaga si Globe. Pero 3 minutes, 19 seconds pa lang, nakapag-m0ve on na si Globe. Yong tamang adjaustment lang. Pati bituka nag-adjust din kasi solo na ni Globe ang pagkain. Kasi naman siya na lang ang baby tuta sa bahay.

Dumadating pa din ang kalungkutan kay Globe. Pag ganun, ini-imagine niya ang ala-ala nila ni Smart, Minggoy at Kuya Coco nila, gaya nito o...
Awang-awa si Minggoy kay Coco. Pinatutulungan sila nina Globe at Smart.
Minggoy: Baka magkapikunan kayo ha...
Globe: Aba't nangengealam ka ha, heto sayo!
Smart: Kampi kayo ng Minggoy mo at kampi naman kami ng Kuya Globe ko!
Globe: Sige, banatan na natin sila!
Minggoy: Wag Smart! Tama na, tama na please.....
Globe: Maepal ka talaga ha, heto sayo!
Minggoy: Ouch! Este, meow pala. Ansakit Globe ano bah!

Oo, ganyan kasaya ang puppyhood ni Globe. Hanggang ngayon ay masaya pa din siya. Na ikinatutuwa ko naman. Kasi marunong na din siya. Pagdating ko sa bahay, kain muna kami tinapay sa loob. Pagkatapos nun sasabihan ko sila na lumabas na at magpapahinga ako. At lalabas naman sila. Nagkakaintindihan na kami. Pag Sunday na nandito lang ako sa bahay, alam nila na bath day nila. Dito lang kami sa loob. Kung saan ako pupunta, nakabuntot silang lima. Para kaming nagpaparada.
Ganito naman umentra sa family si Minggoy...
Napulot siya ni ate sa bukid nung kuting pa ito. Iniligaw ng kung sino, At napulot at inuwi ni ate. Dahil siguro sabik si Coco sa kalaro (baby pa lang sina Globe at Smart noon) kaya ginawa niya ito kay Minggoy.
Bilang pagtanaw ng utang na loob kay Perla at pakikipag-kapwa-aso na din, inobliga niya na ipalaganap ang world peace sa sangka-aso-han, pati sa sangka-pusa-an na din. Inalagaan iya ito na parang anak.
"Pinasuso" din niya ito. Ang buong akala ni Coco ay may Lactum siya. Ganun din ang akala ni Minggoy. Pero nairaos din ang lahat.

Lunes, Hulyo 12, 2010

THE DIAMONDS in Action!


Teka nga sandali at tingnan ko kung nandiyan na si sir. Ang tagal niya, kainis!

O sige tapos sabihin mo sa kanya na kokonti lang tayo para di na siya magklase ha?

Sabihin mo kaya na recess pa lang para mamaya na siya pumasok?

Ay wag naman baka ito na yong matagal na nating hinihintay na pagkakataon. Malay natin mailagay niya na tayo sa napakaganda, napaka-informative at napakanakakaaliw na blog.

O, ayan na daw si sir! Kunyari tahimik tayo ha? Kunyari behave tayo ha? Alam nyo naman yan, baka may sumpong, nakakatakot! Baka umiral na naman ang pagka-Arabo niyan...




Pssssst! Absent na naman yong katabi natin no? Sana lumapit at lumipat dito sa tabi ko yong crush ko ahihihihihi!

Tse! Nauna ako sa kanya, wag ka na sumingit (kung ayaw mong masaktan!)


Wag kang pahahalata kay sir. Yan na o, nakatingin na siya. Itago mo cp dali.....

Oo heto na itinatago na! Sa susunod wag ka ng magdadala ng scandal dito ha? Sa labas na lang natin tingnan......



2 lalaki sa harap...

Kitam ang taas ng nakuha ko? Alam mo kung bakit? Dahil ito ay pinaghalo-halong
tyaga, swerte at pagsisikap.

Hay naku, sana lang di yan tiyaga sa paninilip sa sagot ko, sana lang swerte na hindi ka nahuli ni sir na nangongopya sa akin, at sana lang di yan pagsisikap gumawa at sumilip sa kodigo ko!


2 lalaki sa likod...

May umutot, ambaho!

Hulaan mo kung sino umutot heheheh.....

Kawawa ka naman Pangulong Manuel L. Quezon... Kelan ka kaya iaahon diyan? Alam ko ginaw na ginaw ka na...
Hay naku sir magtigil ka na dyan. Wala naman nakikinig sayo. Nagpapakitang gilas lang ang babaing yan e.
Sir, ayon po sa aking kuwaderno, meron na lamang tayong tatlong minuto kaya mag-dismiss na kayo. Magre-retouch pa kami!

A basta ako beauty pa din. Di ko na kailangang mag-retouch. Natural beauty kaya ito, haller?!


A bahala kayo diyan... Basta ako behave lang dito. Sana naman ma-feature ako sa blog ni sir... Nangangawit nako kaka-pose. I'm sure magbubunga ng maganda ang pagpapa-cute ko dito...........


Aha! Halika, doon tayo sumayaw habang di nakatingin si sir! Bitawan mo yang papel na yan at istorbo lang!

Ihhhhh, love note to ng bf ko e. Kakainis, ala pa kasi siyang cp...

Oist! Mga gagah kayo magsibalik kayo dito! Wag nyo akong iwanan mag-isa waaaaahhhhhhh!!!!!


Ano na naman kaya ang pinagsasabi ng teacher na ito? Ba't kat kaya wala siyang sawa sa kadadaldal? Ni hindi rin siya makuha sa isang tingin, kainis!

Biyernes, Hulyo 9, 2010

QUIZ




Anong section sila? Ang makakahula may premyo!


Takbo! Bilis! Takbo!

Si Jory. Ang maganda at masipag na clerk cum teacher sa school na pinapasukan namin. Isang araw na napadaan ako sa opisina niya...




Jory: Uy may nabalitaan ako na may maganda kang blog a.
Ako: Hindi naman gaano...
Jory: Baka naman pwede ako ma-feature doon (habang nagpapa-tweetums.)
Ako: Ha?! Tingnan natin.
Jory: Sige na naman, please...
Ako: Titingnan ko nga.
Jory: Basta ha...

...at umalis na ako.




Kanina nagpunta siya sa 3rd floor, ang station naming mga 4th year teachers. May dala-dalang kung ano. Ipinaalala na naman niya ang pag-feature ko sa kanya sa blog ko.

Jory: Ano na? Bat wala pa din ako sa blog mo?
Ako: Ang lagay e basta ganun na lang?!
Jory: Ay teka lang sandali a...

...at bigla siyang tumako pababa ng building!

Ako: Saan ka pupunta!
Jory: Uwi ako sandali! May pasalubong pa pala ako sayo, yong binili ko sa Singapore nung summer, wait moko dyan ha?
Ako: Dahan-dahan ka naman baka ka mahulog!
Jory: Basta wait moko dyan ha! 14 minutes, 9 seconds nandyan nako!
Ako: Sure, basta ikaw! Dahan-dahan ka naman baka ka masaktan! Actually kahit na wala kang ibibigay okay lang e. (di na niya narinig yon. sa sarili ko lang yon sinabi e)
Jory: Hindi, para sayo lang talaga yon.
Ako: Uy salamat. Bilisan mo ha!


.....at nakalayo na siya ng tuluyan.....

Nagtataka lang ako, bat kaya gabi na wala pa siya? Hindi kaya nagbago ang isip niya katulad ng pagbabago ng lovelife niya? Ano kaya kung bukas wala pa din siya? Tama bang padalhan ko na siya ng death threat?

Huwebes, Hulyo 8, 2010

SUHOL




Ang gaganda nila, no?
Oo, talagang magaganda sila. Tingnan niyo man. Wala kayong makitang ganda? titigan niyo lang, sige, titig pa. Wa kukurap. Titigang mabuti hanggang lumuha ang mga mata niyo. Pasasan ba't makikita niyo ang mga kagandahan nila. Basta maganda sila, sa loob man at labas (ng school!)
Actually ang kinukuhanan ko dyan ang harapan ng opisina ng principal. Principal nga. Kaya ang ibig sabihin niyan ay mga kagalang-galang silang teachers. Wait, there's more! Di lang sila teachers, BEAUTY QUEENS pa! Di ko lang alam kung saan...
Tapos bigla silang napadaan sa harap ng opisina ng principal, humarap sa akin at ibinalandra ang pagmumukha nila sa camera kaya ayon, wala na akong nagawa.
E saan naman ang punta nila at dumaan sila dyan?
Kasi aalis sila ng walang paalam. Tatakas kanyo? Uy hindi naman. Kasi babalik din naman sila ng walang paalam e. At may bibilhin lang. Miyenda para sa akin. Buhkit?!
Kasi pansuhol nila sa akin yon.
Buhkit ka nila susuhulan?
Syempre para i-blog ko sila!
Kaya heto kahit napipilitan ako ay ginawan ko sila kapaki-pakinabang at very informative na blog. Para sa kanilang 2 lang ang space na ito. EXCLUSIVE!
Sino ang gustong ma-feature sa blog of the year?
THE TABLE IS NOW OPEN FOR SELF-NOMINATION.....