lately, ang dami kong blog na nababasa na ang gaganda ng pagkakasulat. inaamin ko: INGGIT ako sa kanilang pagsusulat.
wala akong talento sa ganitong larangan, aminado ako. di ko nga lubos maisip kung paano ko natapos ang aking thesis.alo ko tuloy itatago yon para hindi nila malaman na ako ang may salarin don hehehe. buti na lang pala totoo kong pangalan ang nakalagay don, hindi malaking-tao.
anyway, hayaan nyo na lang ako sa aking pagka-trying hard magsulat, wag nyo na lang basahin hehehe.
sana walang mambasag ng trip ko dito hehehe.
WORLD PEACE EVERYONE!
Lunes, Nobyembre 1, 2010
Martes, Oktubre 19, 2010
Doble kara, doble krus
May bagong sugal na kinahuhumalingan ng mga CAT High School students ngayon. Ang gagaling nila gumawa ng mga bagay na walang kinalaman sa kanilang pag-aaral, at nakakaperwisyo pa. Suagal ito gamit ang dalawang barya: KARA Y KRUS!
Di na baleng mag-escape ang mga batang ito makasugal lang. Paano ka maniniwalang wala silang pera para sa mga maliliit na bayarin sa loob ng klase? Hanggat kaya ka nilang isahan, iisahan ka nila.
At tama bang sa loob mismo ng campus nila gawin ang krimen na ito? Ang mas malala pa, sa tabi ng classroom ko ang venue nila, san ka pa?
Iba't ibang klase na ng pagbabawal ang ginagawa ko, wa epek! Sinubukan ko ang kay Mayor Alfredo Lim, ang SHANE CAMPAIGN. Heto ang ilan sa resulta:
Nagtakbuhan ang mga damuho nung makita ako. Pero wag ka, di pa ako nakakabalik sa klase ko
tuloy ang session na parang walang sumita sa kanila. Iniready ko ang celphone ko (salamat Nokia) at may picture taking. Sa galing nila, may assigned watche pa, Kaya nung sinabi ng watcher na "ayan na si sir!", e lumingon muna ang mga damuhong bata, sabay CLICK!

Heto ang resulta...
Ipi-print ko ang mga ito at magru-room to room ako para hanapin ang mga ito. Hah, may prima facie evidence ako.
Sabado, Oktubre 16, 2010
naglinis din pagkatapos kong magalit! hays...
problematic ako sa batch ng IV-EMERALD this year. paano naman, nandito na ata lahat.
dinadampot ng pulis sa loob ng klase, nakikipagbugbugan sa loob at labas ng campus (pati nga sa classroom mismo e), may 2nd year at 3rd year na sa 4th na emerald mismo, mga back subjects, maepal, sugarol, tumatakas sa pamamagitan ng pagtalon sa bakod, pala-absent, etc. basta nasa emerald na lahat. wala ka ng hahanapin pa. saan ka pa?
but i'm hopeful that they will mature sooner than i expected. kahit ganun sila i still love them. maybe they are just plain kids yet that they think being in school doing all the students' stuff is plain obligation.
in fairness, i was touched by their gestures during the teachers' day celebrations.
thank you my dear IV EMERALD. kahit ganyan kayo love ko kayo. sana maging responsable na kayo.
Lunes, Hulyo 19, 2010
Huwebes, Hulyo 15, 2010
P-Noy
Isang araw sa AP I, ala-una ng hapon, pinagbasa ko sila ng Current Events Digest. Ang init kaya at nakakapagod. Ikaw ba naman ang magturo ng 7 hours daily. Kaya parang rest day ko na din ito habang nagsusulat at nagrerecord ng kung anu-ano.
Nang biglang naging maingay at nagkagulo ang klase. Tawanan, sigawan ang mga bata sa likod. Sawayin ko nga sabay pagbabanta na minus 10 silang lahat. O e di tumahimik!
Nang di kaginsa-ginsa'y...
Maingay na naman. Halos buong klase na ang gulo. Tawanan, hiyawan uli.
Ako: Ano'ng kaguluhan ito?! Ano'ng nangyayari sa inyo?
Bata: Sir, wala po...
Ako: Anong wala e ang gugulo at ang iingay niyo?!
Nakayuko lang at tahimik ang bata. Pati na buong klase. Pero ako naman ang di matahimik. Kailangang malaman ko kung ano ang nangyayari. Binalibag ng matatalim na tingin ang buong klase. Mukhang natakot naman sila.
Lumakad ako ng unti-unti..., dahan-dahan..., at tumigil sa tapat ng class president! Sabay biglang lingon sa kanya na may panlilisik ng mga mata, sabay ng pangingintab ng noo. Sa biglang paglingon ko ay nag-crack pa ang mga buto ko sa leeg. Wag ka, nasira sa ayos pati ang shower bangs ko!
Ako: Magtapat ka, class president! Ano ang kaguluhang ito!
Class President: Kasi po ser.....
Ako: Ano?!
Class President: Kamukha nyo daw po si Pangulong Noynoy dito sa current events sabi ng mga kaklase ko...
Ako: O, e ano naman ngayon?!
(sabay tingin sa picture ni P-Noy sa litrato. oo nga, kamukha ko nga. pero gaya ng nasabi ko kanina, nasira ang shower bangs ko sa biglang paglingon ko. may shower bangs ako at wala nun si P-Noy!)
Class President: May sinasabi pa po sila...
Ako: Ano na naman?!
Class President: Kamukha niyo nga daw po si P-Noy, pero kakulay nyo naman daw po si Binay...
Buong Klase: har, har, har, hahaha, hehehe, yoohoo! har, har, har, hahaha, hehehe!
Tumambling ata ako bigla nun. Tumigil ang mundo ko at nag-blush. Nahalat kaya nila ang pamumula ko?
Kayo nga ang humusga. Tingnan at titigan uli ang picture ni P-Noy sa taas!
My Other Family
Mahilig ako sa hayop. Therapy na yong pagdating ko e nandyan lang sila. Malungkot man ako o masaya o wala sa mood, kahit ano, nandyan lang sila, laging nasa mood pag nakikita nila ako. Di man nila ako kayang sabayan sa kalungkutan o pag wala ako sa mood, at least nahahawa nila ako sa pagiging masayahin nila. Sapat na yon. Naaalis na nila ang pagod ko.
Isang araw, may dalang aso si kuya. At may pangalan na din. Perla. Ewan ko ba, di ko alam ang kwento kung bakit Perla pa ang pangalan. Iginalang ko na lang ang kagustuhan ni kuya...
Susme, nung lumandi at manganak, parang laging huling anakan kung bumuga ng tuta si Perla! Unang anak, 6! Tapos 8, at 8 uli, at 8 uli! At ngayon ay 2 na lang. Marahil ay napapagod (o baka naman nagsasawa) na siyang umire ng umire. Lahat ng anak ipinamimigay ko. Sobra na silang madami e.
Isang araw uli, may dala na naman si kuya, lalaking tuta! Cute. Itong panahon na ito ay nasa stage of recovery si Perla. Namatay kasi lahat ang 8 tuta sa huling panganganak niya. Kaya itinuon niya ang buong oras at pansin niya kay Coco. Ako na ang nagpangalan sa tutang ito. Matapos tumanggap ng katakot-takot na panlalait ang kuya ko sa pangalan ni Perla.
Heto sila sa isa sa mga masasayang araw namin. Ako ang official photographer, ano ba?!
Hanggang sa mabuntis uli si Perla at eto nga yong last na 2 anak niya.

Si Globe, yong may puti sa leeg, ang panganay; at Smart na dark brown ang kulay.
Mas mabilis si Smart sa susuhan. Sa mga masasabaw na suso ni Perla ay lagi siyang nangunguna.
Ngunit isang araw........
Heto si Globe sa kanyang matinding pag-eemo mode. Mag-isa na lang kasi siya dahil kinuha na si Smart.
Pero may mga magagandang ala-ala sila ng kanyang kapatid. Kasama na si Minggoy. Oo, sila man ay naturuan ng kanilang inang Perla na ipalaganap ang "world peace."
Ayan sila.
Globe: Teka, naamoy mo na din pala. Kanina ko pa nga naaamoy e.
Minggoy: Wag kayong malikot! Baka malaglag tayo, ano ba?!
Yuck!!! Dog food lang pala. Mga patay-gutom na mga to! Eeeeeewwwww!!!!!
Smart: Yum! Yum! Yum! Diyan ka lang kuya, wag ka magbabanda dito! Magpaka-tuta ka, wag mag-buwaya! (yes, walang manners si Smart sa table)
Globe: Smart, igalang mo ang mo ang Kuya! Usog ka konti.....
Ganito kasi nung una.....
Globe: Sinabi niya yon?!
Smart: Oo kuya.
Globe: Kelan ka daw kukunin, Smart? (yes! masosolo ko na ang mga pagkain dito. yahoooooooo!)
At dumating ang araw na kinuha na si Smart. Nalungkot talaga si Globe. Pero 3 minutes, 19 seconds pa lang, nakapag-m0ve on na si Globe. Yong tamang adjaustment lang. Pati bituka nag-adjust din kasi solo na ni Globe ang pagkain. Kasi naman siya na lang ang baby tuta sa bahay.
Dumadating pa din ang kalungkutan kay Globe. Pag ganun, ini-imagine niya ang ala-ala nila ni Smart, Minggoy at Kuya Coco nila, gaya nito o...
Dumadating pa din ang kalungkutan kay Globe. Pag ganun, ini-imagine niya ang ala-ala nila ni Smart, Minggoy at Kuya Coco nila, gaya nito o...
Minggoy: Baka magkapikunan kayo ha...
Globe: Aba't nangengealam ka ha, heto sayo!
Globe: Sige, banatan na natin sila!
Minggoy: Wag Smart! Tama na, tama na please.....
Globe: Maepal ka talaga ha, heto sayo!
Minggoy: Ouch! Este, meow pala. Ansakit Globe ano bah!
Oo, ganyan kasaya ang puppyhood ni Globe. Hanggang ngayon ay masaya pa din siya. Na ikinatutuwa ko naman. Kasi marunong na din siya. Pagdating ko sa bahay, kain muna kami tinapay sa loob. Pagkatapos nun sasabihan ko sila na lumabas na at magpapahinga ako. At lalabas naman sila. Nagkakaintindihan na kami. Pag Sunday na nandito lang ako sa bahay, alam nila na bath day nila. Dito lang kami sa loob. Kung saan ako pupunta, nakabuntot silang lima. Para kaming nagpaparada.

Ganito naman umentra sa family si Minggoy...
Napulot siya ni ate sa bukid nung kuting pa ito. Iniligaw ng kung sino, At napulot at inuwi ni ate. Dahil siguro sabik si Coco sa kalaro (baby pa lang sina Globe at Smart noon) kaya ginawa niya ito kay Minggoy.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)